Muling niyanig ng mahinang lindol ang bayan ng Ferrol nitong madaling araw ng Sabado, June 3.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), may lakas na magnitude 2.7 ang nasabing lindol na naitala sa layong 6km south east ng bayan ng Ferrol, Romblon.
Naramdaman ang nasabing lindol hanggang bayan ng Odiongan at bayan ng Looc pasado alas-3:33 ng madaling araw.
Sinabi ng Phivolcs na hindi inaasahan ang aftershocks at damages dahil sa nasabing pagyanig.
Bago pa yan, isang magnitude 2.4 na lindol rin ang naitala sa pareho ring bayan alas-10:57 kagabi kung saan naitala ang sentro sa layong 7km south west ng Ferrol.