Mainit na sinalubong ng mga opisyal at residente ng Barangay Marigondon sa Cajidiocan, Romblon ang atletang si Mark Julius Rodelas, sa pag-uwi niya sa probinsya ng Romblon ngayong araw matapos ang matagumpay na pagsabak sa 32nd Southeast Asian Games na ginanap sa Cambodia.
Si Rodelas ay nakakuha ng gintong medalya sa patimpalak matapos makatakbo ng 25.19 seconds sa 100m obstacle racing para talunin ang kasamang si Kevin Pascua.
Ang Sibuyanong si Rodelas ang nakakuha ng ika-apat na gintong medalya para sa Pilipinas sa ginanap na palaro.
Sa pag-uwi ni Rodelas sa kanilang isla, inaasahang bibigyan rin siya ng pagkilala ng lokal na pamahalaan.