Sa bayan na ng Santa Fe, Romblon narekober ng mga otoridad ang dalawang cellphone na ninakaw nitong madaling araw ng Lunes sa Barangay Guinhayaan, Looc, Romblon.
Ang pagkakatunton sa cellphone, mas pinadali sa tulong ng nakabukas na Global Positioning System o GPS.
Ayon sa ulat ng Looc Municipal Police Station, bandang ala-una ng hapon nitong Lunes nang makatanggap sila ng sumbong mula sa biktimang si Jerome Seraspi patungkol sa nawawala niyang mga gamit.
Nilooban umano ang kanyang bahay, at nawala ang dalawang VIVO Smartphones maging ang isang wallet na may lamang mga ID.
Pagtingin ng biktima sa GPS, nakita nito na nasa Agmanic, Sta Fe ang location kaya humingi sila ng tulong sa Santa Fe Municipal Police Station para sa ikaaresto sa mga suspek.
Dito na nila narekober ang dalawang cellphone at mga gamit ng biktima.
Nakilala ng pulisya ang mga itinurong suspek na sina Jelou Faa Manlolo, male, 20, at Angelo Palamine Torres, 21.