Arestado ang dalawang lalaki sa bayan ng San Andres, Romblon na pinaghihinalaang magnanakaw matapos maaktuhan ng mga tauhan ng San Andres Municipal Police Station (MPS) na nasa second floor ng isang bahay nitong Lunes, May 15.
Sa press release ng San Andres MPS, nakatanggap umano sila ng tawag mula kay Glenda Dimaano Brual na humihingi ng tulong dahil nakarinig umano siya ng ingay sa second floor ng kanilang bahay.
Agad na rumesponde ang kapulisan kasama ang mga miyembro ng Provincial Mobile Force Company.
Pag-akyat ng mga pulis sa bahay ay naaktuhan umano nila ang dalawa na nasa “act of robbery” pa.
Nasa kustidiya na ng San Andres MPS ang dalawa para masampahan ng kaukulang kaso.