Nagsimula nang bumiyahe sa bayan ng San Agustin, Romblon ang Starlite Ferries mula Batangas, Romblon at Roxas City, Capiz.
Ayon sa Starlite Ferries, February 10 ang maiden voyyage ng kanilang barko sa bayan ng San Agustin sa Tablas Island, Romblon.
Bagong development ito para sa bayan dahil mayroon nang direktang biyahe ng barko mula sa kanilang lugar patungong Batangas City.
Umaalis ng San Agustin patungong Batangas tuwing Martes at Huwebes, alas-4 ng hapon, at babalik naman tuwing Miyerkules at Biyernes, alas-10 ng gabi.
Miyerkules at Biyernes naman ang biyahe ng Starlite Ferries mula San Agustin patungong Sibuyan at Roxas City, Capiz.