Sa isang facebook post, kinumpirma ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic na may naitalang kaso ng aso na may rabie sa bayan ng Odiongan, Romblon maging sa ibang bayan sa Tablas Island.
Kinumpirma na rin ito sa PIA Romblon ng Provincial Health Office.
Pinapayuhan ng health office ang publiko na huwag hayaang nakagala ang mga alagang aso upang hindi mahawa sa ibang aso na may rabies.
Kung sakali umanong makagat ng aso na may pinaghihinalaang rabies, agad na magpaturok sa pinakamalapit na animal bite center.
Maalalang, taong 2019 nang ideklara ng Department of Health at ng Department of Agriculture ang probinsya ng Romblon bilang isang Rabies-Free Zone base sa rekomendasyon ng Regional Rabies Prevention and Control Committee.


































