Inilunsad ngayong araw ang Experience Romblon website — ang opisyal na tourism website ng probinsya ng Romblon.
Ang website ay naglalayon na makatulong sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang tourist destination sa probinsya at matulungan ang turista na mag-navigate patungo rito.
Pinangunahan ni Governor Jose Riano ang paglulunsad sa nasabing website.
Sa mensahe ng gobernador, pinasalamatan nito ang Provincial Tourism Office sa pangunguna ni Sandi Patti Rodenas sa paglulunsad ng nasabing website.
“Sa website, may makikita diyan ‘yung mga munisipyo na may iba’t ibang tourist attraction. Medyo kulang pa, pero unti-unti pero habang prino-promote natin at napapamalita ay makikilala ang ating website,” pahayag ng gobernador.
Mabubuksan ang bagong tourism website ng probinsya sa pamamagitan nang pagbisita sa www.experienceromblon.ph