Pormal nang umupo ngayong Lunes ang bagong konsehal ng bayan ng Looc, Romblon na si Benjie F. Galindez.
Siya ang papalipat sa kanyang asawa na namayapa noong nakaraang taon.
Ayon sa Looc Public Information Office, ipinakilala na siya kaninang umaga sa flag raising ceremony ng lokal na pamahalaan bilang bagong miyembro ng Sangguniang Bayan.
Bahagi ng ipinahayag nitong mensahe ay ang pangako nito na ipagpapatuloy ang nasimulan ng kanyang asawa.
Manunugkulan si Galindez hanggang 2025.