Magpapaskong may-asawa ang labing-siyam (19) na magsing-irog matapos silang sabay-sabay na nagpakasal sa idinaos na Kasalang Bayan ng Lokal na Pamahalaan ng Looc noong nakaraang Huwbes, December 15.
Ang Kasalang Bayan 2022 ay libreng kasal na hatid ng LGU-Looc na naglalayong gawing legal ang pagsasama ng magkasintahan at maisaayos ang kanilang pamilya.
Pinaalalahan ni Mayor Lisette Arboleda ang mga bagong kasal ang kahalagahan ng pagmamahalan upang syang matibay na pundasyon sa pagbuo ng pamilya. Ipinaalala rin nito ang kahalagahan ng pag-uunawaan at pagtutulungan upang maging mas matibay ang kanilang pagsasama.
Bukod sa libreng cenomar at marriage contract ay sinagot na din ng Lokal na Pamahalaan ng Looc ang mga wedding rings.