Aabot sa halos 200 na senior citizens sa bayan ng Looc, Romblon ang naging benepisyaryo sa isinagawang medical mission kamakailan sa bayan ng PCCI International.
Katuwang ng non-government organization na ito ang Don Modesto Memorial Hospital, Rural Health Unit ng Looc, at Municipal Social Welfare and Development Office.
Maliban sa libreng checkup ay nakatanggap rin ang mga matatanda ng libreng gamot at bitamina.
Kasabay ng medical mission ay binuksan rin sa bayan ng Looc ang Senior Citizen’s Library.
Ayon kay Jimwel Soriano, Public Information Officer ng bayan, bagama’t tinawag itong Senior Citizen’s Library ay magiging bukas parin ito sa publiko na gusto maghanap ng mga magagamit at mababasa na libro.
Dumalo sa programa ang mga matataas na opsiyal ng Pamahalaang Panlalawigan at ng Lokal na Pamahalaan.