Sabay-sabay na nag dock-cover-and-hold ang mga estudyante ng Crispin Grimares Elementary School sa Sitio Cogon, Limon Norte, Looc kahapon.
Ito ay bilang pakikiisa nila sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.
Ang nasabing aktibidad ay inorganisa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa pangunguna ni Neil F. Fopalan katuwang ang BFP at PNP.
Ito ang unang beses na nakiisa ang mga bata sa NSED 2022 matapos magsibalikan sa mga paaralan ngayong may face to face classes na.
Layunin ng aktibidad na ito na maturuan ang mga estudyante at mga guro ng paaralan sa mga dapat gawin kung sakaling may tumamang malakas na lindol sa kanilang lugar.
Mahalaga umano ito upang ma-refresh ang ideya ng mga estudyante sa ganitong gawain matapos matigil ng mahigit dalawang taon ang NSED sa mga paaralan dulot ng pandemya.