Isang motorcycle rider ang nasawi matapos itong maaksidente sa kahabaan ng National Road sa Barangay Tanagan, San Andres, Romblon.
Kinilala ang rider na si Joel Castillo, residente ng Barangay Balogo.
Sa ulat ng San Andres Municipal Police Station, pauwi na sana Calatrava, Romblon ang rider nang sumalpok ito sa concrete fence ng tulay sa Barangay Tanagan.
Sa lakas ng pagkakasalpok ng rider sa barrier, nabagok ito at humandusay sa kalsada.
Hindi naman umabot ng buhay sa ospital ang rider matapos itong bawian ng buhay dulot ng severe head injury na natamo nito.
Ayon sa pulisya, nakainum umano ang rider nang mangyari ang aksidente bandang alas-12:05 ng hatinggabi kanina.