Arestado sa isang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga operatiba ng gobyerno ang isang negosyante sa bayan ng San Andres, Romblon noong umaga ng August 5.
Kinilala ang naaresto ng Romblon Police Provincial Office na si Carl Santiago Barraca, 30.
Batay sa kanilang police report, naaresto ang suspek matapos di umanong mabilhan ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu ng isang poseur buyer mula sa PNP.
Ang operasyon ay ikinasa ng Romblon Provincial Drug Enforcement Unit kasama ang MDEU ng San Andres, MARPSTA Romblon, at CIT/RID Mimaropa.
Nakakulong na ngayon ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.