Tuloy-tuloy ang isinasagawang satellite registration ng Commission on Elections para sa pagpapatuloy ng sistema ng pagpaparehistro ng mga botante para sa Halalan ng Barangay at Sangguniang Kabataan na gaganapin sa ika-lima (5) ng Disyembre ngayong taon.
Sa Looc, nagsasagawa ng sattelite registration ang Comelec na nagsimula noong July 9 at matatapos sa July 21.
Ayon sa COMELEC, ang aplikasyon para sa pagpaparehistro, paglilipat/paglipat na may reactivation, pagbabago/pagwawasto ng mga entri at pagsasama/pagbabalik ng mga tala sa listahan ng mga botante ay dapat personal na ihain sa kanila.