Inaresto ng mga tauhan ng Looc Municipal Police Station ang apat na katao sa Barangay Manhac, Looc, dahil sa paglalaro ng ‘Pusoy’.
Sa ulat na nakarating sa Police Provincial Office, bandang alas-3 noong July 28 nang gawin ang anti-illegal gambling operation sa lugar.
Naaktuhan umano nila ang apat na naglalaro ng Pusoy habang nagsasagawa ng intel monitoring sa lugar.
ADVERTISEMENT
Nakuha sa mga naaresto ang pera na ginagamit umano pantaya, at baraha.
Nakakulong ngayon ang apat at nakatakdang sampahan ng kaukalang kaso.