Dead on arrival sa San Andres District Hospital sa San Andres, Romblon ang isang construction worker na biktima ng pananaksak noong Sabado, June 18.
Kinilala ang biktima na si Ronnie Ignacio Morales, 45, construction worker habang ang suspek naman ay kinilalang si Roger Garcia Gaac, 62.
Bago ang krimen, magkainuman umano ang dalawa ngunit nauwi sa pagtatalo hanggang sa habulin di umano ng suspek ang biktima ng saksak.
Humandusay sa gitna ng Tablas Circumferential ang biktima matapos masaksak sa hita na naging dahilan rin ng kanyang pagkamatay.
Sumuko rin sa pulisya ang suspek matapos ang krimen.