Nagtanghal sa Rizal Park Open Air Auditorium sa Metro Manila ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) – Odiongan chapter kamakailan kasama ang PNP Dance Team Elite at ang KKDAT members mula Olangapo City.
Sa harap ng mga opisyal ng Philippine National Police at KKDAT Philippines, nagpasikat ang mga miyembro ng KKDAT Odiongan Chapter na binubuo ng mga dancers mula sa The V Factor Dance Squad ng kanilang winning performance nang sila ay mag kampeon noon sa Sining Bayanihan 2021.
Sa isang pahayag, sinabi ng lokal na pamahalaan ng Odiongan na tunay ngang talentado ang mga kabataang Romblomanon matapos ang ginawang pagrepresenta ng KKDAT Romblon-Odiongan Chapter sa MusiKalayaan 2022.
Once in a lifetime experience umano ito na makapagtanghal sa publiko at sa matataas na opisyal ng pambansang pulisya.