Tumungo ng Calunacon Elementary School sa San Andres, Romblon ang mga tauhan ng Odiongan District Jail ngayong araw, June 14, upang mamahagi ng mga freshly baked pandesal sa may aabot sa 98 na estudyante kasama ang 8 mga guro ng nasbaing paaralan.
Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology, ang mga freshly baked pandesal na ito ay gawa ng mga person deprived of liberty na nakatira sa kanila.
Ang nasabing pandesal ay nakalagay sa isang paper bag at selyado ng “No Smoking” at “No to Drugs” sticker na bahagi ng information communication campaign ng Bureau of Jail Management and Penology.