Nagsasagawa ng libreng HIV Testing, Chest Xray test ang Department of Health sa bayan ng Romblon, Romblon kasabay ng bakunahan laban sa Covid-19.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pakikiisa ng ahensya, ng Provincial Health Office at ng LGU Romblon sa World Tuberculosis Day 2022 na may temang “Invest to End TB, Save Lives”.
Ayon sa DOH Romblon, libre ang mga laboratory sa aktibidad at inaanyayahan nila ang lahat para makasiguro na ligtas ang lahat sa sakit na TB, HIV at AIDS.
Nagsimula ang aktibidad nitong Lunes at magtatagal hanggang Martes.
Inaasahang magsasagawa rin ng parehong aktibidad ang iba pang bayan sa probinsya.