Isang bagong gusali na may may tatlong (3) silid-aralan sa Limon Norte National High School ang pinasinayaan ngayong Huwebes ni Cong. Irene Saulog ng Kalinga Partylist sa bayan ng Looc sa Romblon.
Dinaluhan ito ng mga residente ng barangay, at mga barangay officials.
Malugod namang tinanggapg ng lokal na pamahalaan ng Looc ang bagong gusali na ito na magagamit ng mga estudyante lalo na ngayong may limited face-to-face classes na ang mga bata sa bayan.
Sinabi ng alkalde na tiyan na sa silid-aralan na ito ay may mga mahuhubog na mga bata at susunod na mga professionals mula sa barangay Limon.
Ang nasabing gusali ay naipatayo sa tulong ng Kalinga Partylist.