Nakalaya na matapos makapagpiyansa ang alkalde ng bayan ng Ferrol, Romblon na si Jovencio Mayor Jr. na nahuli ng mga otoridad sa isang sabungan sa kanilang bayan noong Linggo.
Sa panayam ng DZRH kay Col. Raynold Rosero, Provincial Director ng Romblon Police Provincial Office, ngayong Martes, sinabi nito na tapos nang ma-inquest ang alkalde at ilang indibidwal sa piskalya.
“Bali, na-inquest na kahapon at nakalabas na po dahil may bail naman, bailable naman,” ayon kay Col. Rosero.
“Ang number one [na kinaso] po ay ‘yung disobedience protol kasi ‘yun po talaga ‘yung nasusulat na ano po natin… talagang iniimplement ng national. Pangalawa po, ‘yung illegal gambling. Nasa piskal na po ‘yun kung ano po ang tutukan nila,” pahayag pa ni Col. Rosero.
Dagdag pa ni Rosero, ‘no one is above the law’ at kailangan lang umano nilang ipatupad ang batas.