Nagsimula ng bumiyahe ngayong November 16 sa Sibuyan Island ang M/V Masbate ng KHO Shipping Lines, ang barkong magkokonekta sa Romblon at Masbate.
Ang nasabing barko ay susundin na ang rutang Masbate-Cajidiocan-Batangas tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.
Habang Batangas-Cajidiocan-Masbate naman tuwing Martes at Huwebes.
Sa isang panayam ng mga mamahayag ng Masbate kay Atty. Greggy Ramos, Sangguniang Bayan ng Cajidiocan, sinabi nitong sa wakas ay meron ng magandang barko na babiyahe sa kanilang isla.
“Alam niyo po, excited na ‘yung mga kababayan ko na meron po tayong panibagong barko, hindi lang basta barko, isang maganda at dekalidad na barko ito,” pahayag nito.
Makakatulong rin umano ito para sa muling pagbubukas ng kalakalan ng Romblon at Masbate.