Hinihikayat ni Governor Jose Riano ang mga Romblomanon na hindi pa bakunado pero kasama na sa eligible sector na magpabakuna na sa darating na National Vaccination Day (NVD).
Sa isang mensahe, sinabi nito na ang National Vaccination Day ay nataon sa Bonifacio Day, kung saan inaalala ng bansa ang isa sa mga bayani rito.
Ayon sa gobernador, ang bawat isa ay bayani sa panahon ngayong nahaharap ang bansa sa pandemya dahil sa Covid-19.
“Ang lahat ay hinihikayat na protektahan ang bawat isa sa pamamagitan ng bakuna. Bumaba na at halos zero na rin ang cases ng ilan sa ating mga probinsya,” pahayag ng gobyernador.
Sinabi rin nito na tunay nga umanong ang bawa’t isa ay ang pag-asa ng lahat.
“Let’s heal as one and may this vaccination day make us one and healthy nation!” pahayag ng gobernador.
Ang NVD ay isasagawa sa iba’t ibang munisipyo sa probinsya mula November 29 hanggang December 1.