May bangka nang muling babiyahe mula Santa Fe, Romblon patungong Caticlan Jetty Port araw-araw, ayon sa lokal na pamahalaan ng Santa Fe.
Ang pumpboat na mula Santa Fe ay aalis ng alas-7 ng umaga at babalik mula Caticlan ng alas-9 ng umaga, araw-araw.
Kailangan lang magpakita ng mga sasakay ng S-pass at vaccination card kung bakunado o negatibong resulta ng RT-PCR kung hindi bakunado.
Ang pagbabalik ng biayhe ng bangka mula Romblon patungong Caticlan ay makakatulong sa ekonomiya ng probinsya lalo pa ngayong bukas na ang turismo sa lalawigan.