Kinilala ng Philippine Coast Guard ang isa nilang tauhang nagpakita ng katapatan habang nasa serbisyo.
Binigyan ng commendation medal si Apprentice Seaman Anthony Amado matapos magsauli ng laptop na kanyang nakita sa tabi ng kanilang opisina sa Magdiwang.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Coast Guard, ika-11 ng Nobyembre nang makita ni Amado ang laptop at agad na inireport para mahanap ang may-ari.