Pinailawan na kahapon, November 15, ang Giant Christmas Tree ng bayan ng Odiongan na matatagpuan sa Odiongan Children’s Park and Paradise.
Ang lighting ceremony ngayong taon ay ginanap online, dahil sa pandemya at dahil rin sa masamang panahon.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Odiongan, ngayong niluwagan na ang restriction sa bayan dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng Covid-19, magiging bukas sa publiko ang giant Christmas Tree pero dapat masunod parin ang minimum health protocol sa lugar.
Bukas ito hanggang alas-9 ng gabi.