Nagsimula na ngayong araw ang pagbabakuna sa mga kabataang edad 12 hanggang 17 sa probinsya ng Romblon laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Ang ceremonial roll-out ay isinagawa sa Romblon Provincial Hospital sa Odiongan at sa Ramon Magsaysay Park sa Romblon, Romblon.
Sa bakunahan sa Romblon, Romblon na pinangunahan ng Romblon District Hospital, my aabot sa 120 kabataan ang target nila mabakunahan ngayong araw.
Ito ay may mga commorbidities katulad ng obesity, asthma at iba pa.
Bago ang bakunahan, nagkaroon muna ng maikling programa bago ang roll out na pinangunahan ni Provincial Administrator Atty. Lizette F. Mortel.
Samantala, nagbigay rin ng mga school bags at school supplies ang isang pribadong organisasyon sa pakikipagtulungan ng Romblon Police Provincial Office sa 50 kabataan unang nabakunahan.
Ang schedule ng Vaccination Roll Out sa mga kabataan na na screen na pero walang commorbidities ay sa November 5.