May aabot sa 100 oxygen tanks ang binili ng Romblon Provincial Government kamakailan para sa Romblon Romblon District Hospital.
85 sa 100 na mga oxygen tanks na ito ay dumating na sa ospital kahapon at pwede ng magamit ng mga pasyente.
Sa isang Facebook post ng pamunuan ng RDH, sinabi nilang malaking tulong ang mga oxygen tanks para sa mga pasyente nila lalo ngayong lumalaban ang bansa sa pandemya na dulot ng Covid-19.
Maalala na noong mga nakaraang linggo ay nagkaroon ng problema sa supply ng oxygen sa ilang ospital sa lalawigan.