Nakapagtala ng karagdagang apat na bagong kaso ng Delta variant ng Covid-19 sa lalawigan ng Romblon ang Department of Health, base sa ulat na inilabas nila Regional Epidemiology and Surveillance Unit ng Mimaropa.
Sa kasamaang palad, isa sa apat na pasyente ng Delta variant ang nasawi.
Ayon sa Provincial Epidemiology and Surveillance Unit ng Romblon, ang nasawi ay galing sa bayan ng San Jose, habang ang tatlong iba pa ay magaling na at galing sila sa mga bayan ng Romblon at Sta. Fe.
Ang mga specimen nila ay kinolekta at ipinadala sa Philippine Genome Center noong ika-20 pa ng Agosto.
Sa kabuoan, umakyat na sa 10 ang naitatalang kaso ng Delta variant ng Covid-19 sa probinsya at 9 rito ang gumaling na at nakalabas na ng mga isolation facility.