Maraming mga health care workers sa probinsya ng Romblon ang nais magpabakuna kontra sa Covid-19 base sa masterlist na kinuha sa iba’t ibang rural health unit at ospital sa lalawigan.
Sa bahagyang bilang ng DOH Mimaropa – Romblon Provincial Office, tinatayang aabot sa 1,888 na mga health care workers at mga pulis sa probinsya ng Romblon ang nais magpabakuna kontra sa Covid-19.
Samantalang, may 444 naman ang ayaw magpabakuna habang 2 naman ang nanatiling undecided.
Ayon sa DOH Mimaropa – Romblon Provincial Office, hindi pa nakakapasa ng masterlist ang ibang Rural Health Unit at ospital kaya inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nais magpaturok ng bakuna.
Sa priority list ng pamahalaan, ang mga frontline health care workers ang mauunang mabakunahan dahil sila ang madalas na humahawak sa mga Covid-19 patients.