Isang 10 buwang gulang na batang babae mula sa bayan ng Romblon, Romblon ang pinakabagong kaso ng Covid-19 sa probinsya ngayong Biyernes, January 15.
Sa ulat ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit ng probinsya, ito ay walang travel history galing sa ibang probinsya kaya itinuturing itong kaso ng local transmission.
Dahil dito, umakyat na sa 9 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa probinsya kung saan walo (8) ay nasa bayan ng Romblon at isa (1) naman ang nasa Cajidiocan.
Simula ng pumutok ang Covid-19 pandemic, nakapagtala na ng 112 total case sa probinsya kung saan 72 ay local at 40 ang imported o mga LSI/APOR na galing sa ibang lugar.
Sa 112 na kaso, 100 rito ay gumaling na habang 3 naman ang nasawi.