Isang babaeng Authorized Persons Outside Residence (APOR) na dumating ng bayan ng Cajidiocan mula sa Romblon, Romblon ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19), batay sa inanunsyo ngayong tanghali ng Cajidiocan Rural Health Unit.
Ang nasabing APOR ay hindi umano coordinated sa LGU Cajidiocan at dumating noong January 5 mula sa bayan ng Romblon.
Kinuhaan siya ng Real-Time Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test noong ika-6 ng Enero, at dito nakita na siya ay Covid-19.
Kasalukuyan na rin siyang naka-isolate sa isang quarantine facility ng bayan.
Nagsasagawa na rin ng contact tracing ang lokal na pamahalaan ng Cajidiocan para matukoy ang mga nakasalamuha ng nasabing APOR para ilagay sa quarantine at makunan rin ng swab samples para sa RT PCR test.
Muli namang nagpaalala sa publiko ang Cajidiocan Rural Health Unit na sundin ang mga minimum health standards sa lahat ng oras at manatiling mahinahon.