Naitala ngayong araw ang ika-limang kaso ng Covid-19 sa bayan ng San Andres, Romblon, batay sa inuulat ng Rural Health Unit ng bayan nitong Sabado ng tanghali.
Ayon sa ulat, siya ay ama at asawa ng ika-tatlo at ika-apat na pasyente ng bayan na nagpositibo sa nasbaing virus. Siya ay isa sa mga close contact ng dalawa kaya sumailalim siya sa swab test noong Setyembre 7.
Silang mag-anak ay sabay na dumating dito sa San Andres noong Agosto 26 at kasalukuyang nasa quarantine facility at nananatiling symptomatic.
Batay sa datus ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU), kasalukuyang may apat na active case sa probinsya, kung saan 3 ay nasa San Andres at 1 sa Calatrava.
Pangkahalatang aabot na sa 29 ang naitalang kaso sa probinsya, at lahat sila ay gumaling na maliban sa apat na naunang ng nabanggit.