Malungkot na ibinalita ni Dr. Renato Menrige Jr. na apat na close-contact ng unang covid-19 patient ng Calatrava ang nagpositibo rin sa nasabing virus matapos lumabas ang resulta ng kanilang reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) ngayong araw.
Ayon kay Dr. Menrije, ang mga nagpositibo ay isang lalaki na 22 taong gulang, isang lalaki na 29 taong gulang, isang babae na 23 taong gulang, at isang babae na 26 taong gulang. Sila ay pawang mga locally stranded individual na nakasabay ng unang Covid-19 patient ng bayan.
Dumating sila sa bayan sakay ng Starhorse Shipping Lines noong September 1.
Ang apat ay kasalukuyang nasa isolation facility at kasalukuyang mga asymptomatic o hindi naman nag papakita ng mga sintomas ng Covid-19.
Sa kasalukuyan, may walong active case ng Covid-19 ang probinsya ng Romblon.
Paalala ng Municipal Health Office ng Calatrava sa publiko na tandaan ang pagpapalakas ng immune system, pagkakaroo ng physical distancing sa iba, tamang paghugas ng kamay at pag suot ng face mask ang pinakamabisang paraan upang malabanan ang kasalukuyang pandemya.




































