Naitala ngayong Sabado, August 08, ang ikalawang kaso ng Covi-19 sa bayan ng San Andres, ayon sa anunsyo ng San Andres Rural Health Unit.
Ito ay ina ng batang nagpositibo sa virus noong nakaraang Lunes.
Ayon sa San Andres RHU, ang nasabing psyente ay naka-quarantine na rin ngayon sa isang isolation facility sa kanilang lugar.
Samantala, hinihintay pa ng San Andres RHU ang resulta ng pitong iba pang kasama nito na kinunan rin ng swab samples.
Sa pinakahuling datus ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), aabot na sa 20 ang bilang ng mga LSI na nagpositibo sa virus sa probinsya ng Romblon.