Nagpositibo rin sa coronavirus disease 2019 o Covid-19 ang isang locally stranded individual (LSI) na umuwi sa bayan ng Cajidiocan kamakailan, batay ito sa resulta ng test na inilabas ngayong araw ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU).
Ayon sa PESU, ang nasabing LSI ay kasulukuyan ng naka-isolate na sa isang isolation facility habang naghahanda na ang lokal na pamahalaan at ang rural health unit sa isasagawang contact tracing para matukoy ang mga nakasalamuha ng pasyente.
Ang nabanggit na LSI ay ika-7 nang kaso ng probinsya ng Romblon na may kaugnayan sa Covid-19.
Samantala, negatibo naman sa Covid-19 ang dalawang health workers na close contact naman ng LSi na naunang nagpositibo na sa Covid-19 sa bayan ng San Fernando noong nakaraang linggo.