Negatibo rin sa Covid-19 ang natitirang labing-dalawang (12) close-contact ng pasyenteng nagpositibo sa Covid-19 sa bayan ng Concepcion, Romblon ayon sa inanunsyo ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) ngayong Martes, May 19.
Ayon sa PESU, ang 12 ay ang natitira sa 24 na isinalang sa mass testing para alamin kung nahawaan sila ng 76 taong gulang na pasyenteng nagpositibo sa Covid-19.
Matatandaang nitong Linggo ay nauna ng lumabas ang negatibong resulta ng unang batch na tinest.
Dahil sa pag negatibo ng lahat ng tinest sa bayan ng Concepcion, posible umanong sa probinsya ng Oriental Mindoro kung saan pinagdalhan ang pasyente, ito nahawaan.
Sa ngayon, patuloy na nagpapagaling sa isang ospital sa Oriental Mindoro ang pasyente.