Kinumpirma ngayong umaga ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) na nagpositibo sa Covid-19 ang isang pasyente na mula sa bayan ng Concepcion, Romblon.
Ang nasabing resulta ng test ay dumating sa PESU ngayong umaga ng Martes, May 12.
Matatandaang May 6 nang madagdag sa tracker ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit ang nasabing pasyente bilang suspected patient.
Ayon sa Department of Health – Romblon, kasalukuyang nasa isang ospital sa Oriental Mindoro ang nasabing pasyente.
Magpapatawag ngayong umaga ng pagpupulong ang lokal na pamahalaan ng Concepcion kaugnay sa balita.