Nag negatibo sa Covid-19 ang labing-dalawang (12) close-contact ng pasyenteng nagpositibo sa Covid-19 sa bayan ng Concepcion, Romblon ayon sa anunsyo ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) ngayong Linggo, May 17.
Ayon sa kanila, ang 12 ay bahagi lamang ng 24 na isinalang sa mass testing para alamin kung nahawaan sila ng 76 taong gulang na pasyenteng nagpositibo sa Covid-19.
Hinihintay pa ng PESU ang resulta ng natitirang 12 mula sa Research Institute for Tropical Medicine.
Sa ngayon, patuloy na nagpapagaling sa isang ospital sa Oriental Mindoro ang pasyente.