Nag negatibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang ginawang test sa kauna-unahang Patient Under Investigation (PUI) ng lalawigan ng Romblon, ayon sa Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU).
Ayon sa PESU, ang resulta ay dumating lang ngayong gabi sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) – Mimaropa mula sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM.
Matatandaang ang lalaking edad 36 taong gulang, ay na-confine sa Romblon District Hospital noong March 11 matapos lagnatin pagdating ng Romblon mula Malate, Manila. Agad naman siyang kinuhaan ng specimen at ipinadala na sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para suriin.
Kung sakaling siya ay may lagnat pa, magpapatuloy parin umano ang paggamot sakanya pero kung magaling na umano siya, maari na umano siyang makalabas ng ospital.
Dahil dito, wala ng binabantayang PUI sa buong lalawigan at nanatiling walang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019.



































