Tatlong patients under investigation (PUIs) sa dalawang bayan sa Romblon ang nag-negatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ayon sa inilabas na pahayag ng Romblon Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) nitong Huwebes ng gabi.
Dalawa sa mga nag negative ay galing sa bayan ng Calatrava at ang isa naman ay galing sa bayan ng Alcantara parehong sa Tablas Island.
Natanggap uman ong PESU ang resulta ng test ngayon lang gabi mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Dahil dito, nanatili paring Covid-19 free ang buong lalawigan ng Romblon.