Nasa Romblon ngayon ang mga host ng programang ‘Beached’ ng Metro Channel na sina Marc Nelson, at 2017 Miss Universe Philippines Rachel Peters para i-feature ang mga magagandang beach ng Romblon Province.
Dumating sila kahapon, Biyernes, sa Romblon sakay ng eroplano at dumiretso sa isang beach resort sa Alcantara, Romblon.
Sa instagram story ni Nelson, pinakita nito ang Romblon Airport at ang napakagandang Aglicay Beach Resort.
ADVERTISEMENT
Mapapanood ang Beached bawat Sabado, alas-9 ng gabi sa Metro Channel sa Skydirect.