Iniulat ng Department of Health – Romblon (DOH-Romblon) na bumaba na ang bilang ng mga nadadagdag na pasyente na may mga suspected measles nitong huling mga araw ng Marso.
Ayon kay Ralph Falculan ng DOH-Romblon, nitong March 29, nakapagtala na sa buong Romblon ng 61 suspected cases ng measles at isa rito ay namatay. Dinala umano ito sa Manila dahil may sakit ngunit pagdating doon ay nahawaan ng tigdas na naging dahilan ng komplikasyon at kanyang pagkamatay.
“Halos pababa na ang trend natin sa ngayon, matapos ang pagbabakuna natin sa mga barangay,” pahayag ni Falculan.
Sinabi rin nito na halos sa buong bansa ay pababa na rin umano ang trend ng mga suspected measles cases kagaya nalang sa MIMAROPA.
Kahit na mababa na umano ang trend, pwede pa naman umano magpabakuna ang mga batang edad 6 months hanggang 59 months sa buong rehiyon kasama na ang Romblon.