Pinasaya sa pamamagitan ng mga awitin ni Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 Big Winner at Cosplayer Myrtle Sarrosa ang mga estudyante at guro ng San Andres National Highschool kaninang hapon, April 02.
Ang mga estudyante, todo ang hawak sa mga cellphones para lang makapag-selfie sa isa sa mga kilalang artista ng Star Magic ng ABS CBN.
Namigay rin si Myrtle ng mga regalo sa ilang piling estudyante ng San Andres National Highschool.
Nasa Romblon si Sarrosa kasama ang CT Vibes para i-promote ang mga produktong #MySistersPH at Megasoft Hygienic Products sa San Andres National Highschool at sa Odiongan Public Plaza ngayong April 02.