Pinasinayaan nitong hapon ng Martes, April 10, ang bagong gusali ng Cajidiocan National High School sa bayan ng Cajidiocan, Romblon.
Ang nasabing 4-storey school building ay may 12 classrooms para sa mga mag-aaral ng Senior High School sa nasabing paaralan.
Dinaluhan nina Congressman Emmanuel Madrona, Vice Governor Otik Riano kasama ang ilan pang Sangguniang Panlalawigan member ang ribbon cutting at blessing ceremony ng nasabing gusali.
Sa maikling talumpati ni Congressman Madrona, nangako ito ng tulong sa Cajidiocan National High School para mapagyabong at masuportahan ang mga mag-aaral lalo’t higit ang mga estudyante na nasa Senior High School.
Ayon sa mga opisyal ng Cajidiocan National High School, simula sa susunod na school year ay gagamitin na ang mga nasabing silid-aralan.