Inaresto ng mga tauhan ng Cajidiocan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Kim Badillo ang isang lalaking wanted dahil pending warrant of arrest sa kasong attempted murder na nilabas pa noong 2010.
Kinilala ang suspek na si Marlon Male Rance, 29-anyos, residente ng Barangay Lumbang, Cajidiocan, Romblon.
Ang nasabing warrant of arrest ni Rance ay nilabas ng Regional Trial Court Branch 81, Romblon, Romblon noong January 10, 2010.
Nakakulong na ang suspek sa Cajidiocan Municipal Police Station at inaasahang ibabiyahe pabalik ng Romblon, Romblon para iharap sa korte.
Ayon kay Police Senior Inspector Kim Badillo, nagkasundo na umano ng panig ni Rance at ng nagsampa sa kanya ng kaso na mag-aayos nalang sila at pag-uusapan na nila ito sa korte.