Nagsagawa ng Earthquake Drill sa ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa bayan ng Cajidiocan, Romblon nitong Lunes.
Isinagawa ang nasabing aktibidad sa Lumbang East National High School.
Layunin ng Earthquake Drill na sukatin ang kahandaan at kakayahan ng mga first responders kung sakaling may tumamang lindol sa kanila.
Ang sitwasyon ay kunyari’y may malakas na lindol na tumama sa Sibuyan sanhi ng fault kaya may ilang estudyante na na-trap sa silid aralan. Agad na nagsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng Cajidiocan Municipal Police Station at BFP-Cajidiocan para sagipin ang batang na-trap.
Nailigtas rin nila ang nasabing nasugatan at nadala sa ospital.