Dalawang lalaking katatapos lang mag-inuman ang sugatan matapos pagsasaksakin ng isa pang lalaking nakainum rin ng alak sa bayan ng Cajidiocan, Romblon.
Kinilala ang mga biktima na sina Alquin Real Marin Jr., 25; at Rhoderick Roda Alayon, 19, estudyante; habang ang suspek ay kinilalang si Ronald Dela Cruz Avorque, 24-anyos.
Sa report na nakarating sa opisina ni Police Senior Inspector Leidelyn Ambonan, spokeperson ng Romblon Provincial Police Office, bandang alas-11 kagabi ng lumabas ang dalawang biktima galing sa isang resto bar para sana umuwi na nang bigla silang sundan ng suspek sa labas at pinagsasaksak.
Nagtamo ng sugat ang dalawang biktima at agad namang isinugod sa Sibuyan District Hospital.
Samantala, agad na naaresto ng mga kapulisan ng Cajidiocan Municipal Police Station ang papatakas na suspek dala pa ang ginamit umano sa pananaksan na double bladed knife. Nahaharap sa kasong double frustarted murder si Avorque.
Dinala na nitong Biyernes sa Roxas City, Capiz ang dalawang biktima para doon gamutin.