Tiklo sa kamay ng pulisya ang 23-anyos na lalaking wanted sa kasong homicide sa San Jose, Romblon nitong hapon ng Biyernes, January 05.
Kinilala ng Romblon Police Provincial Office ang suspek na si Reynaldo Mabinay Bercasio Jr., residente ng Barangay Busay sa nabanggit na bayan.
Si Bercasio ay wanted sa Pasig City matapos babaan ng warrant of arrest ng Regional Trial Court Branch 115 nitong March 30, 2017.
ADVERTISEMENT
Nakakulong na ang suspek sa San Jose Municipal Police Station.
May piyansang P40,000 ang kaso ni Bercasio.