Sumalpok sa bahagi ng bundok sa gilid ng kalsada ang isang 14-wheeler truck na may kargang mga bakal matapos madulas ito sa kalsada na bahagi ng kalsada sa Sta. Maria, Romblon.
Nangyari ang aksidente kaninang hapon sa Sitio Maalag, Barangay Concepcion Norte.
Papunta umano sanang San Agustin, Romblon ngunit pagdating nito sa pababang bahagi ng kalsada ay nawalan ng kontrol ang driver sa truck at nadulas ito.
Basa umano ang kalsada dahil sa maghapong ulan sa lugar.
Ligtas naman ang driver at kundoktor ng nasabing truck. Wala namang ibang nadamay na motorista sa nasabing aksidente.